70

May 3, 2021 @ 20:27
By

Sekyu pumalag sa aresto, todas sa engkuwentro

Bulagta ang isang wanted na security guard matapos na makipagbarilan sa mga aarestong pulis sa kanyang kasong murder sa Montalban, Rizal nitong Lunes ng umaga.

Kinilala ang napatay na si Ramon Quillo, 48, residente ng Rodriguez, Rizal.

Isisilbi sana kay Quillo ng mga miyembro ng Quezon City Police District ang arrest warrant na inisyu ng isang korte sa lungsod bandang alas-9 ng umaga nang paputukan nito ang mga pulis sakay ng walang plakang motorsiklo.

Nagresulta ito sa shootout kung saan idineklara si Quillo na dead on arrival sa ospital.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?