88

Oct 27, 2017 @ 13:30

Sekyu, nag-suicide habang naka-duty

Hindi marahil nakayanan ng isang sekyu ang hirap ng buhay kaya gamit ang kanyang service firearms ay winakasan na lamang nito ang sariling buhay kahapon sa San Juan City.

Nakilala ang biktima na si Elmerito Bacud y Tuliao, nasa hustong gulang, stay-in guard ng Jaeca’s Specialty Food Product Inc. na matatagpuan sa No. 15 V. Cruz St. cor. J. Asiñas St., Barangay Sta. Lucia, San Juan City.

Batay sa report, naganap ang insidente bandang alas-11:10 ng umaga sa loob ng compound ng kanyang pinagtatrabahuhang kompanya habang naka-duty ang biktima.

Nabatid na bigla na lamang nagbaril ang biktima sa ulo na naging dahilan ng kanyang kamatayan.

Kasalukuyang nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya upang matukoy ang sanhi ng pagkamatay ng biktima at kung may naganap na foul play dito. (Vick Aquino)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?