20

By

Sekyu na asar-talo, namaril ng kabaro

Sharing is caring!

Kulungan ang bagsak ng isang security guard matapos mabaril ang kasamahan sa trabaho nang magkasagutan at nagduwelo sa loob ng pinagtatrabahuang planta ng yelo sa Las Piñas City, Linggo ng madaling-araw, Setyembre 16.

Nakilala ang suspek na si Mark John Gorobat, nasa hustong gulang, security guard ng Bravo Agency at nakatalaga sa Private Ice na matatagpuan sa Hernandez St., BF Homes, Almanza Uno, Las Piñas City.

Kritikal naman sa Ospital ng Muntinlupa ang biktimang si James Guzman, 20-anyos, empleyado rin ng naturang planta at residente ng Barangay Talon 3, Las Piñas City, matapos magtamo ng tama ng bala sa likod.

Ayon Kay Las Piñas City Police Chief Sr. Supt. Marion Balonglong, nangyari ang pamamaril sa binabantayang ice plant bandang ala-1:30 ng madaling-araw nang magkaroon ng pagtatalo ang dalawang magkatrabaho na nauwi sa pikunan hanggang sa kumuha ng baril ang guwardiya at binaril sa likod si Guzman.

Agad na dinala sa pagamutan ng mga kasama sa trabaho ang biktima habang sumuko naman sa awtoridad ang suspek matapos ang insidente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?