36

Oct 28, 2020 @ 18:48
By

Sekyu makulit sa face mask, binurdahan ng saksak

Pinagtulungang bugbugin at pagsasaksakin ng magkapatid ang isang security guard matapos silang sitahin sa hindi pagsusuot ng face mask at pag-sanitize ng mga kamay.

Ayon sa ulat sa Chicago Sun-Times, nangyari ang insidente sa isang store sa Chicago, United States kung saan hindi sumunod sa pinatutupad na mga safety protocol laban sa COVID-19 ang magkapatid na sina Jayla, 18, at Jessica Hill, 21.

Pinagsabihan sila ng 32-anyos na guwardiya na hindi na pinangalanan ngunit pinagmalaki pa ni Jayla sa kanyang pagbi-video ang hindi pagpapapasok sa kanila ng biktima noong Oktubre 25.

Nang magbanta si Jayla na tatawag ng back-up ay hinablot ng guwardiya sa kanya ang hawak na cellphone na siya namang paghampas ni Jessica ng basurahan sa ulo ang biktima.

Doon na nagsimula ang magkapatid na pagtulungang gulpihin at pagsasaksakin ang biktima gamit ang comb knife, na nakunan sa CCTV.

Nagmakaawa ang guwardiya at assistant store manager sa magkapatid at masuwerteng nakaligtas ang biktima at nagawang mapigilan ang mga suspek na makalabas ng tindahan hanggang sa dumating ang mga pulis.

Nadakip ang magkapatid at nahaharap sa kasong attempted murder.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?