121
gun1
By

Sekyu kinatay ng kapwa guwardiya dahil sa suweldo

Sharing is caring!

Nagwakas sa madugong trahedya ang masayang inuman ng magkaibigang guwardiya makaraang barilin bago tagain ng isang security guard ang kanyang kapwa sekyu matapos na magdebate tungkol sa kanilang sweldo sa Quezon City, nitong Biyernes ng hapon.

Kinilala ni P/Supt. Rodelio B. Marcelo, hepe ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU), ng Quezon City Police District (QCPD) ang biktima na si Manuel Trilles Valencia, 56-anyos, security guard ng Jericko Security Agency at residente ng No. 131 1B UNig North Hills Ville, Norzagaray Bulacan.

Siya ay namatay noon din sanhi ng tinamong tama ng bala ng twelve gauge shot gun sa kaliwang dibdib at tagain sa mismong pulso sa kaliwang kamay

Agad namang tumakas ang suspek na nakilalang si Perfecto Zamora David, 54-anyos, security guard din ng nasabing agency at naninirahan sa Villa Beatriz Subd., Brgy. Old Balara, Quezon City.

Sa inisyal na imbestigasyon ni SPO1 Marvin Masankay ng CIDU-QCPD, ang krimen ay naganap dakong alas-4:00 ng hapon (May 5), sa bakanteng lote sa Sta. Elena Property na matatagpuan sa Milan St., Capitol Park Homes, Brgy. Old Balara ng nasabing lungsod.

Batay sa pahayag Joel Caceras, kasamahang guwardiya ng biktima at suspek, masaya umano silang nag-iinuman subalit nagkainitan sina Valencia at Zamora, matapos na magtalo sa kanilang sweldo.

Galit umanong umalis si David subalit pagbalik nito ay walang sabi-sabing pinaputukan ng shot gun ang biktima.

Bagamat duguan nang nakabulagta si Valencia ay hindi pa umano nakuntento ang suspek at dinampot pa nito ang patalim saka tinaga ang pulso sa kaliwang kamay ng biktima, bago tumakas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?