86

Oct 25, 2017 @ 16:39

Sekyu dedo sa lasing

Patay ang isang security guard na driver ng armored van ng Safeguard Security Agency kasunod ng insidente ng pamamaril sa Singalong St., Malate, Maynila.

Dead on the spot ang biktima na nakilalang si Mario Corpuz habang sugatan naman ang kasamahan niyang si Jonathan Lazarte.

Mabilis na tumakas ang suspek sa pamamaril na sinasabing isang Julluis Igat makaraang maisakatuparan ang krimen.

Ayon sa mga kasamahang sekyu, naka-duty ang suspek sa garahe ng mga armored van nang pilit umanong pumasok sa compound ang umano’y lasing na biktima.

Dahil dito, nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa na nauwi sa pamamaril at nagresulta sa pagkamatay ng biktima.

Nadamay naman si Lazarte na umawat lang sa pagtatalo ng dalawa na patuloy na ginagamot sa hindi tinukoy na ospital.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa nasabing krimen. (Ricklove Villanueva)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?