41

Sep 8, 2021 @ 11:22
By

Sekyu bumili ng pansit, sanglaang binabantayan nasimot

Mahigit P100,000 halaga ng alahas at datung ang sinimot ng kawatan matapos nitong looban ang isang pawnshop sa Cauayan, Isabela.

Ayon sa ulat ng GMA News nitong Martes, wala umano ang sekyu nang mangyari ang krimen.

Batay sa report, nakapasok ang salarin dahil kasabwat umano nito ang isang estimador sa pawnshop na siyang nag-utos sa guard na bumili ng pansit.

“‘Yong initial investigation po natin through the CCTV and through the witnesses, na-establish po natin na inside job po ‘yong nangyaring robbery dito sa pawnshop na ito,” ani Cauayan City Police chief Police Lieutenant Colonel Sherwin Cuntapay.

“Inutusan po itong security guard ng nasabing pawnshop na bumili ng pansit which is about 100 meters away from the pawnshop,” dagdag pa niya.

Sambit niya, magdyowa umano ang estimador at ang magnanakaw.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, iniwan ng estimador na nakatiwangwang ang main door at isa pang pinto ng sanglaan para makapasok ang magnanakaw.

Maging ang vault ay binuksan din.

Kasalukuyang nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang appraiser habang tinutugis pa ang dyowa nitong magnanakaw.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?