65
gun
Oct 13, 2017 @ 17:28

Sekyu binaril sa sentido sa Tondo

Malapitang binaril sa ulo ang isang security guard na hindi pa nakikilalang salari sa Street, Brgy.98, Tondo sa Lungsod ng Maynila.

Nangyari ang insidente madaling araw ng Biyernes kung saan kinilala ng mga pulis ang biktima na si Margie Dordulo, 41 anyos at residente ng Ermita sa nabanggit na Lungsod.

Sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya, sa pangunguna ni Sr. Insp. Dave Abara, ang commander ng Smokey Mountain Police Community Precint, nakatambay lamang umano sa lugar ang biktima dahil mayroon itong katagpo nang mangyari ang pamamaril.

Ayon sa mga nakasaksi sa krimen, isang lalaki na naka- bisikleta ang bumaril  at agad tumakas nang bumulagta na ang biktima.

Isang tama ng baka sa sentido ng hindi pa mabatid na kalibre ng baril ang tinamo ng biktima. Bagaman siya ay naisugod pa sa  Tondo Medical Center ay binawian rin ito ng buhay pagdating sa pagamutan. Inaalam pa ang motibo sa likod ng pamamaril. (Ricklove Villanueva)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?