10

Mar 4, 2021 @ 14:06
By

Sektor na paggagamitan sa mga AstraZeneca vaccine hinihintay pa sa NITAG

Wala pang inilalabas na rekomendasyon ang National Immunization Technical Advisory Group (NITAG) kung kailan gagamitin ang mga AstraZeneca vaccine na inaasahang darating sa bansa ngayong Huwebes ng gabi.

Sinabi ni Secretary to the Cabinet Karlo Nograles na hindi pa batid ng Palasyo kung anong sektor ang puwedeng gumamit sa AstraZeneca.

“We are waiting for the advice of the NITAG kung saan gagamitin ang AstraZeneca vaccine, kung puwede ba sa senior citizens na health workers,” ani Nograles.

Umaasa ang Malacañang na maglalabas ang NITAG ng kanilang rekomendasyon sa lalong madaling panahon lalo na at ianasahang darating ngayong Huwebes ng gabi ang bakunang mula sa COVAX facility ng World Health Organization(WHO).

Sinabi ni Nograles na agad gagamitin ang AstraZeneca vaccines sa sandaling mayroon ng rekomendasyon ang NITAG kung sino ang mga puwedeng gumamit nito.

Nauna nang ginamit ang Sinovac vaccines sa medical health workers sa bansa subalit hindi ito maaaring gamitin sa mga edad 60 pataas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?