358

By

Seira Briones na-starstruck kay Sarah G.

Sharing is caring!

Si Seira Briones ay isang 16-year-old na recording artist na mina-manage ng Viva Artist Agency at ni Lito de Guzman.

Siya ay isang Filipina-Japanese teener na maituturing na isang social media sensation dahil mayroon siyang 1.3 million followers.

Nagkuwento siya hinggil sa kanyang latest single sa Viva.

“Bale mahilig po ako gumawa ng mga videos sa Facebook, mga musical po or nagpapatawa po ako ng mga tao. And ayun nga po kumakanta po ako, may single na po ako. ‘Yun po ‘yung kaka-release pa lang ng Viva ngayon, ‘Ano Ba’ po ang title.”

Anong klaseng kanta ‘yung ‘Ano Ba’? Sagot ni Seira, “About siya sa ano, parang umaasa sila sa mga crush nila ganoon. Yung parang ang laki ng expectation nila sa crush nila, ayun ganoon.”

Ano ang feeling na mayroon siyang ganoong karaming followers sa social media?

“Siyempre po ayun, sobrang saya po na natutuwa rin po, kasi yung feeling na na-appreciate ka ng ibang tao, masaya sila sa ginagawa mo. And then siyempre, masaya rin ako sa ginagawa ko.”

So, ‘yung mga teenager makaka-relate sa single niya?

“Makaka-relate po ang lahat, hindi lang yung teenager at millennials, lahat po. Nasa Spotify at iTunes na po ito, iyong music video po nito ay malapit na malapit na rin,” saad pa niya.

Sinong favorite local singers niya?

“Si Sarah Geronimo po, siyempre si Sarah kapag narinig mo kasi ang pangalan na Sarah, magaling kumanta, sobrang napaka-down to earth na babae and ayun, napakagaling niya rin sumayaw.”

Na-meet na ba niya si Sarah ng personal? “Yeah, na-meet ko na siya pero ayun nga, yung meet up namin hindi talaga sa mismong Viva office. Nagka-meet lang kami sa may bandang convenient store na bumibili lang siya ng water or kung ano.”

So in-approach niya ba si Sarah at nagpakilalang siya rin ay from Viva?

“Hindi ko nasabi yun, kasi sobrang… nagpa-selfie lang ako kaagad kasi hindi ko alam kung anong gagawin ko na parang na-starstruck ako sa kanya,” nakatawang saad pa ni Seira.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?