177

Oct 29, 2017 @ 10:14

Seguridad sa mga bus terminals sa QC tiniyak

Bantay-sarado na ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) ang mga bus terminal sa Quezon City, dahil sa pagdagsa  ng maraming bilang na pasahero ang lalo na ang nasa Araneta,  upang umuwi sa kani-kanilang mga probinsiya at doon gunitain ang araw ng Undas.

Ang Araneta Bus Terminal sa Cubao, Quezon City ang siyang pangunahing at malaking bus terminal sa Metro Manila.

Nabatid na madaling araw pa lamang kahapon ay nakapila na ang maraming  pasahero na excited nang makauwi para magbakasyon at bumisita sa puntod ng  kanilang mga yumaong mahal sa buhay.

Ang Dimple Star na may biyaheng, Iloilo, Capiz, Aklan at Antique ay marami na ang nagpapa-booked ng kanilang biyahe. Gayundin sa Mega Bus Line biyaheng Tagbiliran, Bohol, Catarman at Tacloban.

Nagpatupad na ng mahigpit na seguridad ang pamunuan ng Quezon City Police District (QCPD)  sa lahat ng bus terminal kung saan  mahigpit na binubusisi ang bawat dalang bagahe ng mga pasahero.

Inaasahan ng mga awtoridad mas madadagdagan pa ang bilang ng mga pasahero sa naturang terminal sa bukas, October 30, dahil special non-working Holiday at sa Martes October 31.

Umaapila si QCPD Director Chief Supt. Guillermo Eleazar sa riding public na huwag magdala ng deadly weapon upang hindi na maabala sa kanilang pag-uwi sa kani-kanilang mga probinsiya. (Dolly B. Cabreza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?