64
oscar-albayalde-001
Dec 16, 2017 @ 17:34
By

Seguridad sa Metro Manila ngayong Pasko, hinigpitan ng NCRPO

Ipinag-utos ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Oscar Albayalde ang mahigpit na pagbabantay sa lahat ng mga pampublikong lugar ngayong papalapit na ang araw ng Pasko.

Partikular na tinukoy ni Albayalde sa kanyang limang district directors ang mga simbahan sa pagsisimula na rin ng siyam na araw ng Simbang Gabi.

Aniya, nais niyang may sapat na bilang ng mga pulis na titiyak sa kaligtasan ng mga dumadalo sa Simbang Gabi.

Dahil titindi pa ang pagdagsa ng mga mamimili sa mga mall at maging sa mga tiangge, ipinag-utos din ni Albayalde ang pagbabantay sa mga ito.

Babala pa ng opisyal, magsasagawa siya ng sorpresang pagbisita sa mga simbahan at mga pampublikong lugar para tiyakin na nasusunod ang kanyang utos.

Dagdag pa ni Albayalde, ang mga critical at crime-prone areas ay babantayan din ng kanilang Special Reaction Units.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?