56

Oct 3, 2017 @ 12:39

Seguridad sa LRT mas hihigpitan

Pinalakas pa ng pamunuan ng Light Rail Transit Authority (LRTA) at Philippine National Police (PNP) ang kanilang koordinasyon sa pagpapanatili ng mahigpit na seguridad sa lahat ng istasyon ng LRT.

Ito ay sa pamamagitan ng isang Memorandum of Agreement na pinirmahan nina LRTA Administrator Reynaldo Berroya at PNP Chief Police Director General Ronald Dela Rosa.

Nakasaad sa MOA, una, ang hiling ng LRTA sa PNP na maglagay ng Police Assistance Desks sa mga LRT stations.
Pangalawa, magbibigay ang LRTA ng libreng uniporme sa mga pulis na itatalaga sa mga LRT stations.

Pangatlo, magbibigay ang PNP ng mga materials may kaugnayan sa crime prevention tips at iba pang programa.

Sa kabuuhan, layon ng kasunduaang ito na maiwasan ang anumang krimen sa loob at bisinidad ng lahat ng LRT stations. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?