48

By

Seguridad sa isasagawang ‘worldwide walk’ ng INC, handa na

Sharing is caring!

Kasado na ang seguridad para sa isasagawang pandaigdigang paglalakad ng Iglesia Ni Cristo (INC) na gaganapin sa Quirino Grandstand sa Linggo, Mayo 6.

Ayon kay Manila Police District Spokesman Supt. Erwin Margarejo, sisimulan ang paglalakad sa Pasay City patungo sa Rizal Park alas-kuwatro ng madaling-araw.

Layon ng “worldwide walk” ng INC na labanan ang kahirapan at iangat ang kabuhayan ng sambayanang Filipino sa pamamagitan ng pananalangin at pagkakaisa.

Kaugnay nito, 3,000 pulis ang ipakakalat ng MPD upang pangalagaan ang mga kalahok na mananampalataya mula sa kanilang pagpasok sa hurisdiksiyon ng Manila police hanggang sa bisinidad ng Quirino Grandstand.

Ilang lansangan din ang isasara kabilang na rito ang east at westbound lane ng P. Burgos mula sa Roxas Boulevard hanggang sa Lagusnilad; ang magkabilang lane ng Finance Road mula sa Taft Avenue patungo sa P. Burgos; ang east at westbound lane ng TM Kalaw mula sa Taft Avenue hanggang sa Roxas Boulevard; ang westbound lane ng President Quirino, mula sa Taft Avenue hanggang sa Roxas Boulevard; ang north at southbound lane ng Bonifacio Drive mula sa Anda Circle patungo sa P. Burgos, at ang north at south bound lane ng Roxas Boulevard mula sa P. Burgos hanggang sa P. Ocampo.

Magpapalabas din ng re-routing ang Manila police kaugnay sa mga alternatibong ruta na maaaring daanan ng mga apektadong sasakyan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?