185

Dec 12, 2017 @ 15:26

Seguridad sa Divisoria, iba pang lugar hinigpitan na ng MPD

Mahigpit na ang ipinapatupad na seguridad ng Manila Police District (MPD) sa mga lugar na dinadagsa na ng tao tulad ng Divisoria, mga mall, simbahan at iba pang lugar ngayong Kapaskuhan at Bagong Taon.

Ayon kay P/Supt. Erwin Margarejo, tagapagsalita ng MPD, sapat na mga pulis ang ipinakalat sa mga lugar na nasasakupan ng Station 11, Station 2 at Station 3 na nakakasakop sa Divisoria, Binondo, Sta. Cruz at Quiapo areas.

Paalala ni Col. Margarejo sa publiko, na kung magtutungo sa mga nabanggit na lugar, huwag nang magsuot ng anumang palamuti sa katawan tulad ng alahas at ingatan ang mga dala-dalahan at kung maaari ay ‘wag nang magsama ng bata o kung hindi maiwasang magsama ay hawakang mabuti dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga namamasyal o namimili sa mga nasabing lugar.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?