110

Nov 5, 2017 @ 12:05

Seguridad sa bar exams sa UST mas hihigpitan

Tiniyak ng pamahalaang Lungsod ng Maynila na magpapatupad sila ng mahigpit na pagbabantay sa seguridad sa paligid ng University of Santo Tomas kung saan isinasagawa ang bar examinations.

Ngayong araw ng Linggo ang unang araw ng Bar Exams.

Ayon kay Manila Mayor Joseph Estrada, inatasan na niya si Manila Police District Director Chief Supt. Joel Coronel na tiyakinng maraming pulis ang nakakalat sa paligid ng UST.

Ito aniya ay upang masiguro ang kaligtasan ng mga kukuha ng pagsusulit pati na sa kanilang mga kasama.

Nais din nilang maging “trouble-free” ang bar exams ngayong taon tulad ng nangyari noong nakaraang taon.

Samantala, sinabi naman ni Coronel na aabot sa 775 na pulis ang ipapakalat sa loob at labas ng UST campus.

Epektibo ngayong araw na ito ay ipinatutupad din ang liquor ban para maiwasan ang gulo.

Samantala, may rerouting naman sa mga kalsada simula kaninang alas 4:00 ng madaling araw hanggang kaninang 7:00 ng umaga at alas 4:00 ng hapon hanggang 7:00 ng gabi. Partikular ito sa mga kalye na papuntang Quiapo sa España Boulevard.

Bawal na rin ang pagparada ng ang sasakyan sa mga kalsada sa paligid ng UST tulad sa bahagi ng España, Dapitan, P. Noval at Lacson. (Ricklove Villanueva)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?