48

Nov 4, 2017 @ 12:22

Seguridad sa ASEAN Summit, tiniyak ni Bato

Walang anumang terror threat sa bansa lalo na sa isasagawang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit sa Pilipinas.

Sa himpilang Radyo Singko, tiniyak ito ni Philippine National Police (PNP) Chief Ronald ‘Bato’ dela Rosa matapos ang travel advisory na ipinalabas ng Australian government.

Ayon sa hepe, nakalatag ang seguridad hindi lamang sa Metro Manila kundi maging sa mga lugar kung saan isasagawa ang ASEAN Summit.

Paliwanag ni Dela Rosa, nagpapaalala lamang ang gobyerno ng Australia sa kanilang mga mamamayan.

Una rito, sinabi rin ng Armed Forces of the Philippines na walang banta ang terorista sa bansa pagkatapos ng giyera sa Marawi City.

Sa kabila nito tiniyak din ni Bato na nakaalerto ang kanilang hanay sa banta ng terorista.

Sinabi pa ni Dela Rosa na malabong mag-spillover sa Metro Manila ang panggugulo ng Maute supporters.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?