44

Nov 24, 2018 @ 16:50
By

Seguridad ng Pinoy sa 3rd telco, tiyak kay Honasan — Rio

Sinigurado ni outgoing Department of Information and Communications Technology (DICT) secretary Eliseo Rio na hindi makokompromiso ang seguridad at datos ng mga subscriber sa ilalim ng 3rd telco na Mislatel.

Sinabi ni Sectetary Rio na may kakayahan si Honasan na bantayan ang interes ng Filipino subscriber dahil may managerial skill ito noong nasa Department of National Defense pa ito.

Naging kanang kamay aniya ni dating senador Juan Ponce Enrile si Honasan noong kalihim pa ito ng Department of National Defense at hinawakan nito ang document security na basehan ngayon ng cyber security.

“May managerial skill si Greg. Matagal siya bilang right hand ni senador Juan Ponce Enrile noong siya pa ang kalihim ng Department of National Defense. Siya ang nag-handle ng document security ng DND at ‘yan ay ang basis ngayon ng cyber security natin,” ani Rio.

Nangangamba ang ilang sektor sa posibilidad na maging banta sa pambansang seguridad ang pagpasok ng 3rd telco lalo na at galing ito sa China.

Pero sinabi ni Rio na ang Smart at Globe ay halos galing sa China ang mga kagamitan kaya pero wala namang nangyari tulad ng pinangangambahan ngayon.

“Marami ang concerned na China ang pumasok. Kailangan matutukan natin, plus the fact na halos lahat ng mga equipment ng Globe and Smart ay halos China. ‘Yun din bago China rin,” dagdag pa ni Rio.

Pinayuhan ng kalihim ang publiko na hindi dapat nakadepende sa mga telco, bagkus ay maging responsable sa paggamit ng serbisyo ng mga ito para masigurong hindi malagay sa alanganin ang pambansang seguridad.

“Kailangan hindi natin ididipende sa mga telcos yung ating seguridad. Dapat ating responsibility yan. Dapat tutukan natin sila na hindi magamit ang network nila for threat to our national security,” wika pa ni Rio.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?