30
roque-1
By

Seguridad ng mga pari, tiniyak ng Palasyo

Sharing is caring!

Makakaasa ang simbahan para sa proteksiyon ng mga pari at iba pang alagad ng Simbahang Katoliko.

Tiniyak ito ni Presidential Spokesman Harry Roque bilang tugon sa panawagan ni Archbishop Socrates Villegas na dapat tumigil na si Pangulong Rodrigo Duterte sa pag-atake sa mga alagad ng simbahan dahil nagiging dahilan ito para lumakas ang loob ng mga kriminal na patayin ang mga pari.

Ayon kay Roque, iniimbestigahan na ng Philippine National Police (PNP) ang serye ng pagkamatay ng mga pari para maparusahan ang mga nasa likod ng krimen.

Makikipagtulungan din aniya ang PNP sa Simbahan para mailatag ang mga hakbang at proteksiyon sa mga pari at iba pang alagad ng simbahan.

Kasabay nito, sinabi ni Roque na nakikiisa ang gobyerno sa pagkondena sa magkakasunod na pagpatay sa tatlong pari sa loob lamang ng maikling panahon.

Sinabi pa ng kalihim na iniutos na rin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pinaigting na kampanya laban sa kriminalidad para malutas ang problema sa peace and order.

Naniniwala si Roque na dahil sa pinaigting na kampanya ay may nagtatangka na sirain ang pagsisikap ng gobyerno para magkaroon ng paghahati sa bansa, sa pamamagitan ng mga pagpatay sa mga pari.

“In this nationwide drive, lawless elements will seek to block our efforts by sowing division and creating animosity, even exploiting crimes like the killings of priests. We must stand united against these purveyors of crime and together advance the peace and security of the nation and the Church,” dagdag pa ni Roque. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?