108

By

Sedition case basura! – De Lima

Minaliit ni opposition Senator Leila de Lima ang reklamong sedition na inihain laban sa kanya at sa ilang iba pa kaugnay ng “Bikoy” videos na nag-uugnay sa pamilya Duterte sa iligal na droga.

“Pure hogwash, pure hogwash yung mga kaso na naman yan. Basura yun,” pahayag ni De Lima sa isang ambush interview bago ang kanyang pagdalo sa pagdinig ng kanyang kaso sa Muntinlupa Regional Trial Court Branch 205.

“Basura, mas basura pa iyan siguro kaysa sa mga isinampang kaso sa akin,” sabi ng senador, patungkol sa drug case na inihain laban sa kanya ng pamahalaan.

Si De Lima ay isa sa kinasuhan ng CIDG ng inciting to sedition, cyber libel, libel at obstruction of justice.

Ang iba pang kinasuhan ay sina President Leni Robredo, Sen. Risa Hontiveros; mgadating Senador Antonio Trillanes IV at Bam Aquino; at Otso Diretso senatorial candidate na sina Chel Diokno, Florin Hilbay, Gary Alejano, Romulo Macalintal, Samira Gutoc at Erin Tañada.

Kasama rin sa reklamo sina Frs. Flaviano Villanueva, Albert Alejo, Robert Reyes, at Bishop Honesto Ongtioco, Teodoro Bacani Jr, Pablo Virgilio David, at Socrates Villegas; at dating Education Secretary Bro. Armin Luistro.

Kinuwestiyon ni De Lima kung papaano nakapagsampa ng reklamo ang CIDG na wala naman karampatang imbestigasyon hinggil dito.

“Hindi ko alam kung paano nag-imbestiga ang CIDG. They’re supposed to have subpoena powers now, right?” tanong pa ng senadora.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?