252

Jul 19, 2019 @ 15:52
By

Sedisyon vs VP Leni, oposisyon, dapat patunayan ni Bikoy – Palasyo

Nasa kamay na ni Peter John Advincula kung paano nito mapapanindigan ang kasong sedition na isinampa laban kay Vice-President Leni Robredo at iba pang personalidad sa oposisyon.

Kasong sedisyon vs VP Leni, oposisyon, pangha-harass! – Liberal Party

Inihayag ito ni Presidential Spokesman Salvador Panelo matapos pagbintangan ang Malacañang na may kumpas sa kasong isinampa laban sa Bise Presidente.

Sinabi ni Panelo na nakasalalay kay Bikoy kung paano nito mapatutunayan sa korte ang bintang laban kay Robredo at sa oposisyon dahil siya ang nagreklamo kaya hindi dapat na iugnay ang Malacañang sa isyu.

“Tha’s basically a complaint of Bikoy. We had nothing to do about it and we will just let the law takes its course. That will depend on how he can back up his claims. That will require for instance proof of communications between him and those he referred to as his co-conspirators, and that will also require testimonial evidence,” ani Panelo.

Sinabi ng kalihim na panahon na para malaman kung ano ang totoo sa mga pinagsasabi ni Bikoy dahil sa dami ng mga inakusahan nito.

Matatandaang unang inakusahan ni alyas Bikoy si Pangulong Rodrigo Duterte at pamilya nito na sangkot sa illegal drug trade, subalit ang inaakusahan naman ngayon ay ang kampo ni Vice President Robredo at ilang opposition senator.

Para naman sa mga kinasuhan ng sedition, sinabi ni Panelo na dapat tanggapin nila ang hamon at patunayang inosente sila sa mga bintang sa kanila ni Advincula.

“I think the respondents should welcome that so that they will also can defend themselves,” dagdag pa ni Panelo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?