By

Security of Tenure bill, madaliin na – Hontiveros

Sharing is caring!

Sa bisperas ng Labor Day, nanawagan si Senadora Risa Hontiveros sa mga kapwa senador para madaliin ang pag-aprub sa Security of Tenure Bill na umano’y maaring makahikayat sa mga OFW na umuwi at maaring makapigil sa iba na mangibang bansa para magtrabaho.

Sa Security of Tenure Bill, ipagbabawal ang labor contracting at sub-contracting at ang diskriminasyon sa mga babaeng manggagawa.

Pasado na ito sa ikatlo at huling pagpasa ng Kamara habang nasa committee on labor pa ito ng Senado.

Ayon kay Hontiveros, chairman ng Senate committee on women. kung gusto ng pamahalaan na dito manatili ang mga Filipinong manggagawa, kailangang siguraduhin na mayroon ang mga itong regular at disenteng trabaho at respetado ang karapatna ng kababaihan.

“Huwag lang natin silang pauwiin. Pauwiin natin sila na may pag-asa at kasiguraduhan ng mas magandang bukas sa sarili nilang bansa,” ani Hontiveros.

Diin nito, delikado sa pag-abuso at mga panganib sa kalusugan ang mga manggagawang kontraktwal dahil wala silang social at health benefits.

Hindi sagot ng kumpanya kapag sila ay nagkasakit o nadisgrasya sa trabaho.

Napagkakaitan din umano rito ng trabaho ang maraming babae.

Tinukoy ang datos ng International Labor Organization (ILO) na nagsabi na mas nabibigyan ng trabaho ang mga lalaki sa mga bansang kasapi ng Association of South East Asian Nations (ASEAN), kabilang dito ang PIlipinas.

Kalimitan din umano na kontraktwal ang trabaho at pagkakaitana para sa mga babae kaya mas bukas din sila sa pag-abuso.

“Contractual workers are more vulnerable to health risks than regular workers as contractualization is a scheme meant to avoid paying workers the social and health benefits that regular employees are entitled to. Thus, contractual workers are forced to endure precarious working conditions and pay for their own health expenses when they get sick or injured at work,” diin ng senadora.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?