44
kulong-arrested
By

Security agent kalaboso sa kayabangan

Sharing is caring!

Sa kulungan dinala ng kanyang kayabangan ang isang protection agent matapos arestuhin dahil sa pagbabanta sa dalawang fastfood crew sa Muntinlupa City.

Base sa ulat, alas 11 ng gabi ng Biyernes nang magwala sa Fabian Cmpd., sa Barangay Alabang ang suspek na si Isagani Jesalva, 39, ng Montillano st., sa lugar.

Ayon sa nagreklamong sina Jeff Alcozar, 25 at Kristofferson Pastolero, 31, nakikipagkuwentuhan lang sila nang dumating ang suspek sakay ng kanyang motorsiklo.

Anila, sinigaw sigawan sila ni Jesalva at naghahamon ng away.

Sa pag aakalang lasing lang ang suspek hindi siya pinansin ng grupo at naglakad na ang magkaibigan.

Sa puntong ito hinabol sila ni Jesalva at nagpaputok ng baril.

Nagtakbuhan ang magkakabarkada samantalang ang mga residente ay nagpasaklolo na sa mga pulis.

Inaresto si Jesalva ng mga rumespondeng tauhan ng SWAT Team at nakuha sa kanya ang isang kalibre .45 na baril.

Nahaharap ngayon sa mga kasong grave threat, alarm and scandal at paglabag sa ASEAN gun ban si Jesalva. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?