11

By

Secretary Panelo pansamantalang spokesman lang?

Sharing is caring!

May mga ibang pangalang ikinukunsidera si Pangulong Rodrigo Duterte para maging permanenteng tagapagsalita nito.

Ayon sa Pangulo, pansamantala lamang si Secretary Salvador Panelo bilang spokesman dahil hindi niya nakikitang babaguhin nito ang sarili bilang tagapagsalita ng palasyo.

Bukod sa pagiging tagapagsalita ay hawak din ni Panelo ang pagiging chief presidential legal counsel kaya’t sinabi ng Pangulo na may mga pinagpipilian siyang mga pangalan.

“I don’t think he will transition himself to a spokesman. Maybe in the meantime that I’m considering other names,” anang Pangulo.

Pabirong sinabi ng presidente na taga-ABS CBN ang isa sa mga ikinukunsidera nito.

Isa sa tinitingnan ni Pangulong Duterte na maging spokesman ay mula sa media dahil sanay aniyang sumagot sa mga tanong subalit hindi nito pinangalanan ang identity nito.

“I’m scouting for…pero preferably from the media community. Sanay eh. They would know how to respond to questions,” dagdag pa ng Pangulo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?