174
Salvador Panelo Duterte
Oct 11, 2018 @ 17:04
By

Secretary Panelo bagong spokesman ni Digong

May bago ng napiling bagong tagapagsalita si Pangulong Rodrigo Duterte simula sa Lunes kapalit ni Presidential Spokesman Harry Roque.

Ayon kay Special Assistant to the President Secretary Bong Go, si Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na ang opisyal na magiging tapagasalita ng Pangulo.

Sinabi ni Go na concurrent ang magiging posisyon ni Panelo bilang Presidential Spokesman at Chief Presidential Legal Counsel.

Sa isang text message ni Roque na kasalukuyang nasa China, sinabi nitong hindi pa siya nagbibitiw sa puwesto.

Urong-sulong ang kalihim kung tatakbo sa darating na eleksiyon o manatili bilang tagapagsalita ng Pangulo at nag-uusap pa aniya sila ng Presidente.

Pero tila hindi nakapaghintay si Pangulong Duterte dahil itinalaga na niya si secretary Panelo kapalit ni Roque simula sa Lunes.

Kinumpirma kapwa nina Secretary Panelo at Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar na bago na ang spokesman ng Pangulo sa Lunes.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?