bylines-milky-rigonan

Secretary Gringo?

Sharing is caring!

By Milky Rigonan

Isa si Senator Gringo Honasan sa mga senador na magtatapos na ang termino sa 2019.

Mahabang taon din na nagsilbi bilang senador si Honasan. 1995 nang siya ay manalo at kauna-una­hang independent candidate na lumusot sa Senado.

Muli siyang na-reelect noong 2001 hanggang 2007 nang punan ang nabakanteng puwesto ni Senator Teofisto Guingona Jr. na na-appoint naman bilang Vice President ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo. Muli siyang na-reelect noong 2013 elections.

Bago naging senador, pinangunahan ni Honasan ang mga nabigong coup d’etat laban kay yumaong dating Pangulong Corazon Aquino at mahalaga din ang papel na ginampanan sa 1986 Edsa Revolution na nagpatalsik kay yumaong dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Sa Senado, naging chairman siya ng Senate Committee on Agrarian Reform at naging acting Majority Floor Leader.

Sa kasalukuyan, si Honasan ang chairman ng Committees on National Defense and Security Committee at Peace, Unification and Reconciliation.

Bago matapos ang termino, matunog na maa-appoint siya bilang mi­yembro ng gabinete ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte.

Kung pagbabasehan ang mga committee na pinamunuan ni Honasan, posibleng maitalaga siya sa Defense Department.

Pero sa ngayon, kuntento umano si Pangulong Duterte sa liderato ni Secretary Delfin Lorenzana.

Ayon sa sources sa Palasyo, hindi napapanahon na palitan ang Defense Secretary sa harap ng ongoing rehabilitation and reconstruction sa Marawi City.

ung hindi sa Defense Department, saan i-a-appoint si Honasan?

Sa ngayon, dalawang ahensiya ng gobyerno ang may Acting Secretaries – ang Department of Information and Communications Technology (DICT) at Department of Interior and Local Government (DILG).

Sinibak ni Pangulong Duterte si Rodolfo Salalima sa DITC dahil sa umano’y isyu ng corruption and interference.

Si DITC Undersecretary Eliseo Mijares Rio ang OIC ng ahensiya matapos masibak si Salalima.

Sa panig ng DILG, in acting capacity si Secretary Catalino Cuy.

October 26 nang i-appoint ni Pangulong Duterte si retired General Eduaro Año bilang Undersecretary ng DILG.

Gusto ni Pangulong Duterte na italaga si Año bilang DILG Secretary pero ipinagbabawal sa DILG act ang pagtatalaga ng retired or resigned military officers bilang Kalihim kung wala pang isang taon na nakapagre-retire.

Kung matutuloy ang pagiging miyembro ng gabinete ni Honasan, sa DITC o DILG ba siya maa-appoint?

Sabi ni Honasan, “there’s still a lot to do in the Senate, I still have one year.”

2019 pa naman matatapos ang kanyang termino.

Marami pang pwedeng mabago.

Kung DITC o DILG, ito ay tanging prerogative ni Pang. Duterte.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?