83

Nov 6, 2020 @ 21:07
By

Secret Service dinagdagan security ni Biden

Nangangamoy panalo na ba sa US presidential election ang dating bise presidente na si Joe Biden?

Ito’y matapos na mapaulat na nagdagdag ng seguridad ang Secret Service para sa katunggali ni US President Donald Trump, na kadalasang ginagawa para sa mga president-elect.

Nakatakda rin umanong magkaroon ng speech si Biden nitong Biyernes sa Amerika, na posibleng indikasyon ng paglabas ng resulta sa eleksyon.

Batay sa mga datos ng news agency, nananatiling 264-214 ang resulta ng botohan, pabor para kay Biden. 270 electoral vote ang kinakailangan para ideklarang Pangulo.

Samantala, lumamang na si Biden sa swing state ng Georgia na may 16 electoral votes.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?