226
Secret dumpsite sa Baseco paiimbestigahan ni Isko
Jun 4, 2019 @ 16:49
By

Secret dumpsite sa Baseco paiimbestigahan ni Isko

Paiimbestigahan ni Manila City Mayor-elect Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang umano’y “secret dumpsite” at iligal na babuyan na natuklasan umano ng Pasig River Rehabilitation Commission (PRRC) sa Baseco.

Sinabi ni Domagoso na ang paglutang ng nasabing dumpsite ay malinaw na balakid sa pagsisikap ng pamahalaan na i-rehabilitate ang mga daluyan ng tubig o waterways.

“Once Vice Mayor Honey Lacuna and I formally assume office in July, we will immediately conduct a probe into this garbage-filled land and hold erring officials accountable,” ayon kay Domagoso.

Ayon pa kay Domagoso , sa sandaling matapos ang imbestigasyon ay magsasampa sila ng kaukulang kaso na magsisilbing babala sa mga barangay at opisyal ng lungsod.

Tiniyak din ni Domagoso sa mga Manileño na ang kanyang administrasyon ay aktibong makikipag-uganayan sa PRRC at iba pang ahensya ng gobyerno sa pagbuhay at pagsasaayos sa maruming Pasig River.

Dagdag pa nito, na handa silang makipagtulungan sa pamahalaan sa paglilinis ng ilog hindi lamang para buhayin ang kalidad ng tubig nito kundi upang mapabuti ang buhay ng lungsod.

Samantala, nanawagan naman si Domagoso sa mga Manileño na makipagtulungan sa polisiya ng bagong administrasyon na linisin ang mga kalye, eskinita at daluyan ng tubig o mga estero sa lungsod.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?