28
casilao
By

Sec. Teo, dapat nang magbitiw para hindi makasira kay Duterte – Casilao

Sharing is caring!

Mas lalo na raw dapat magbitiw si Tourism Secretary Wanda Teo matapos sabihin nito na ibabalik ng kanyang mga kapatid ang P60 milyon na ibinayad sa Bitag Media Unlimited Inc. para sa ad contract ng Department of Tourism (DOT).

Ayon kay Anakpawis Partylist Rep. Ariel Casilao, ang naturang pahayag ng kalihim kasama na ang tungkol sa resignation ng kanyang asawang si Roberto Teo bilang director ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA) ay pag-amin ng conflict of interest, kaya marapat na mag-resign ang kalihim sa ngalan ng delicadeza.

Ipinunto ni Casilao na kung hindi naman nabulgar ang report ng Commission on Audit tungkol sa ad contract ng DOT ay hindi gagawin ni Teo at ng kanyang pamilya na isauli ang pera at ie-enjoy lang nila ang mga pakinabang sa pagiging opisyal ng gobyerno.

Iginiit ng kongresista na dapat magsakripisyo ang kalihim bilang tulong na rin nito sa bumababang tiwala ng publiko sa administrasyong Duterte.

Hinimok nito si Teo na itaas ang moral standard ng mga miyembro ng gabinete sa pamamagitan ng pagbibitiw na sa tungkulin.

Dapat aniyang tanggapin ng kalihim na ang patuloy niyang pananatili sa posisyon nang may bahid na ay makasisira sa Pangulo at sa publiko.

“Teo should face the ultimate sacrificing of resignation, as she contributed to the degrading public perception of the Duterte administration, especially involving cabinet members,” sabi ni Casilao.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?