100

By

Sec. Roque tinabla ang Kabayan Party-list

Sharing is caring!

Sinupalpal ni Presidential Spokesman Harry Roque ang inilabas na statement ng Kabayan Party-list na nagpaparamdam umano ito para isama siya sa listahan ng mga nominee ng grupo.

Sinabi ni Roque na walang katotohanan ito at hindi niya alam kung ano ang motibo ng nabanggit na Party-list group.

“Absolutely false!” ang maikling tugon ni Roque.

Naglabas ng statement ang Kabayan party-list group kung saan ay nagpadala umano si Roque ng feelers para mapabilang sa mga nominee ng grupo.

Pero ayon sa grupo, kompleto na ang kanilang line-up ng nominee, at ang tangi na lamang nilang magagawa ay suportahan si Roque sa pangarap nitong maging senador.

Bagama’t wala pang opisyal na pahayag si Roque kung tutuloy sa planong pagtakbo sa Senado, kabilang ang pangalan nito sa inilabas na listahan ni Senador Koko Pimentel para sa senatorial slate ng PDP-Laban.

Kasama ni Roque sa listahan sina Presidential Adviser on Political Affairs Secretary Francis Tolentino, Congressman Monsour del Rosario, Bureau of Corrections Chief Ronald dela Rosa, Special Assistant to the President Bong Go at Congressman Dong Mangudadatu.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?