4,004

By

SEC nagbabala: Sisiw ginagamit sa investment scam

Binalaan ng Securities and Exchange Commission (SEC) ang publiko laban sa pag-i-invest sa Broiler Entrepreneurship Corp. at Super Livestock Holdings Inc. dahil pawang manloloko umano ang mga ito.

Ayon sa advisory ng SEC, ang Broilerpreneur at Superlivestock ay nang-eenganyo sa taong mag-invest sa pamamagitan ng pagbili ng 20 sisiw sa halagang P1,000 para sa garantiyang kita na 100% sa loob ng 60 na araw.

Sabi ng SEC, ang Broiler Entrepreneurship Agriventures Inc. o Broiler Entrepreneurship at ang Super Livestock Holdings Inc. ay gumagawa ng parehong panloloko o “the same fraudulent investment scheme” na inisyuhan na ng advisory ng SEC noon pang Mayo 31, 2019.

Sabi ng SEC, kapwa rehistrado ang Broiler Entrepreneurship at Super Livestock sa komisyon subalit wala silang lisensiya para magbenta ng investment sa publiko.

Babala ng SEC, ang sinumang mag-ahente para sa Broiler Entrepreneurship at Super Livestock para mang-engganyo sa mga taong mag-invest ay maaaring pagmultahin ng P5 milyon o makulong ng 21 taon o pareho.

“The public is hereby advised to stop investing in the investment schemes being offered by Broilerpreneur Corporation, Broiler Entrepreneurship and Super Livestock,” sabi ng SEC.

Dagdag pa nito, ang sinumang may kinalaman sa mga kumpanyang ito ay ire-report sa Bureau of Internal Revenue para mapagmulta at mapagbayad ng buwis.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?