28

By

Sec. Medialdea itinalagang officer-in-charge

Sharing is caring!

Kahit isang araw lang na nawala si Pangulong Rodrigo Duterte sa bansa ay nagtalaga ito ng officer-in-charge.

Batay sa Special Order no. 1130 na inilabas ng Malacañang, itinalaga ng Pangulo si Executive Secretary Salvador Medialdea bilang officer-in-charge ng bansa mula Oct. 10-11, 2018.

Layon nito na matiyak na magtuloy-tuloy ang operasyon sa Office of the President at mapangasiwaan ang takbo ng gobyerno sa Ehekutibo.

Isang araw lamang ang Pangulo sa Indonesia at inaasahang babalik ito sa bansa ngayong gabi pagkatapos ng mga aktibidad.

Sa tuwing may biyahe si Pangulong Duterte sa ibang bansa ay kalimitang si Secretary Medialdea ang itinatalaga nito.

Minsan na ring naging OIC at caretaker ng bansa si Justice Secretary Menardo Guevarra dahil kasama noon sa foreign trip ng Pangulo si Medialdea.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?