79

Nov 24, 2019 @ 14:00
By

SEC iniimbestigahan ang R&L sa pagkanakaw ng P700M stocks

Nagsasagawa ang Securities and Exchange Commission ng sarili nitong imbestigasyon sa pagkabagsak ng R&L Investments Inc, isang 50-anyos na stock brokerage na nalugi nang manakawan ito ng mahigit P700 milyong stocks, at hindi nito aasahan lamang ang resulta ng isinisasagawa ng Capital Markets Integrity Corporation na nagpupulis sa mga stock broker.

“Mayroon kaming amin,” sabi ni SEC director Vicente Graciano Felizmenio Jr.

Gayun pa man, hinihintay ng SEC ang resulta ng imbestigasyon ng CMIC dahil isang self-regulatory organization (SRO) ang Philippine Stock Exchange.

Paliwanag ni Felizmenio, may tatlong lebel ang proteksyon para sa mga investor. Ang una ay sa lebel ng broker-dealer. Kasunod nito ang CMIC at Philippine Stock Exchange, at panghuli ang SEC, pag hindi na naproteksyonan ng mga nauna.

“Dito pa lang sa broker/deal, may problema na,” sabi ni Felizmenio.

Kung sinusunod lamang ang mga rules at pinapatupad ito ng broker/dealer nung umpisa pa lang, hindi dapat ganoong kalaki ang nawala.

Paliwanag ni Felizmenio, araw-araw dapat tinitignan ng mga responsableng opisyal ng stock brokerage ang kanilang mga trades at stock position at buwan-buwan naman itong isinusumite sa CMIC.

Sa monthly securities count, tinatala ang hawak ng stock ng mga investor at tinitignan nito ang mga stocks na nasa vault, nasa Philippine Depository and Trust Corp. at ang mga tinatawag na in transit.

Taon taon naman inaaudit ng CMIC ang mga stock brokers. Nung 2016, pasado ang R&L Investments sa annual regulatory audit na ginawa ng CMIC.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?