83
leoncio-evasco
By

Sec. Evasco, laglag na sa bagong NFA Council

Sharing is caring!

Hindi na kasama si Secretary to the Cabinet Secretary Leoncio Evasco sa reorganized na National Food Authority (NFA) Council na dati nitong pinamunuan bilang Chairman.

Ayon sa isang Palace source, ito ang mangyayari kasunod ng pagbabalik ng NFA sa pangangasiwa ng Department of Agriculture (DA).

Una rito, nakipagpulong si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga rice trader lunes ng gabi sa Malakanyang, kasama ang mga miyembro ng nireorganisang NFA Council.

Ang NFA Executive Committee naman ay bubuuin ng mga opisyal mula sa DA, Department of Finance, NFA at Office of the President (OP).

Samantala, ang importasyon ng bigas ay ipapaubaya na sa tanggapan ni Agriculture Undersecretary Berna Romulo Puyat.

Ang pagbabago na ito kasama ang iba pang napag-usapan sa pulong nitong Lunes ng gabi ay inaasahang pormal na inaanunsyo ni Presidential Spokesman Harry Roque sa pulong balitaan nito sa Martes sa Boracay Island.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?