26

Jun 15, 2020 @ 22:11

SEC alam pagbebenta ng ABS-CBN `stocks’ sa mga dayuhan

Pinanindigan ng abogado ng ABS-CBN na aprubado ng Securities and Exchange Commission (SEC) ang pag-isyu ng mga Philippine Deposit Receipt (PDR).

Sa pagdinig ng Kamara hinggil sa franchise renewal ng Kapamilya network nitong Lunes, inihayag ni Atty. Cynthia Del Castillo na ang ABS-CBN Holdings ang shareholder ng ABS-CBN Broadcasting na siya namang nag-iisyu o nagbebenta ng PDR sa mga dayuhan.

Nilinaw ni Castillo nang sila ay nag-apply para sa registration ng mga PDR sa SEC ay inilatag nila ang lahat ng mga kondisyon partikular ang pagbebenta o pag-iisyo nito kanino man kasama ang mga dayuhan.

“When we applied for registration of PDRs with the SEC and listing with PSE, we have fully disclosed that PDRs can be sold to anyone regardless of nationality,” ayon kay Castillo.

Dagdag pa ni Castillo, “Wala pong itinago diyan. `Di po nila alam ang pangalan ng mga taong bumili, pero alam po nila ang terms of conditions of PDRs na walang restriction in terms of nationality.”

Ipinahayag naman ng SEC na limitado lamang ang kanilang aksyon sa registration ng pag—iisyu ng mga PDR ng ABS-CBN at hindi na sa kung sino ang inisyuhan o pinagbentahan nito.

“The SEC, after going through the documents and confirming they complied with the requirements prescribed by law, rendered these documents operative. We emphasized that the act of the SEC was limited to making operative the registration statement,” ayon sa paglilinaw ng kinatawan ng SEC. (Eralyn Prado)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?