51

By

Seaweeds, mabisang pampapayat

Sharing is caring!

Alam n’yo ba na ang pagkain ng seaweeds ay mabuti para sa ating kalusugan?

Ang seaweeds kasi ay siksik sa vitamins A, C at B-12. Mayaman din ito sa potassium, iron, calcium, iodine at magnesium na kailangan ng ating katawan.

Maliban sa pagpapalakas ng ating resistensiya ay mainam din ito sa pagpapapayat at pag-regulate ng blood sugar.

Dagdag pa nito, na ang seaweeds ay mayroon lang lima hanggang 20 calories per serving at meron din itong soluble fiber content na nakakatulong sa pagpapapayat.

Tandaan na ang seaweeds ay halamang dagat na maraming taglay na bitamina na kailangan ng tao. (Vick Aquino)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?