26

Apr 12, 2020 @ 15:17
By

Sean Anthony hari ng depensa sa PBA!

Nasungkit ng NorthPort forward na si Sean Anthony ang Defensive Player of the Year sa nagdaang season.

Ginawad kay Anthony ang award ng PBA Press Corps, matapos niyang matanggap ang Mythical First Team at All-Defensive team selection noong Marso sa PBA Leo Awards.

Matatanggap ng swingman ang award sa PBA Press Corps Awards night, na postponed pa dahil sa enhanced community quarantine sa Luzon.

Kasama sa gagawaran ng awards ay sina Terrence Romeo bilang Mr. Quality Minutes, CJ Perez bilang scoring champion, at June Mar Fajardo bilang Order of Merit recipient.

Makakasama din ang mga parte ng All-Rookie team na kinabibilangan nina Perez, Robert Bolick, Javee Mocon, Bobby Ray Parks at Abu Tratter.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?