1,199
American national
By

Seaman tumalon mula 15th floor ng condo, patay

Basag ang bungo at nagkalasog-lasog ang katawan ng isang seaman makaraang magpatiwakal umano ito sa pamamagitan ng pagtalon mula sa ika-15 palapag ng inookupahan nitong condo unit sa Quezon City.

Kinilala ni P/Captain Juan Mortel ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng Quezon City Police District (QCPD) ang biktima na si Alex Daruca Alota, 53-anyos, tubong Cebu at naninirahan sa 15-I Eastwood Parkviiew Tower-1, Brgy. Bagumbayan, QC.

Batay sa pahayag kay Patrolman Christian Loyola, imbestigador ng CIDU, nina Jeannete Jomento at Alain Kit Cabalhin, nangungupahan din sa nasabing condo, dakong alas-7: 45 ng gabi (Abril 1) ay naglalakad sila sa playground nang makarinig sila ng isang malakas na kalabog.

Nang kanilang usisain ay bumungad sa kanila ang lasog-lasog at duguang katawan ng biktima kaya agad silang humingi ng saklolo sa mga guwardiya ng nasabing tower na siya namang nag-report sa pulisya.

Tumanggi naman ang kapatid na babae ng seaman na si Adela Elsie Alota na paimbestigahan pa ang naturang insidente dahil kumbinsido silang nagpakamatay ang biktima sabay pakita ng iniwan nitong “suicide note” subalit hindi na idinetalye ang dahilan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?