84

SEAG umaasa sa mga volunteer – netizen

Bukod sa mga substandard na facility na pagdarausan ng mga laro, panay volunteer umano ang inaasahang kikilos para sa Southeast Asian (SEA) Games ngayong Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11, 2019.

Sa “usapang SEA Games” thread ni netizen @AltABSCBN, ilang beses niyang dinetalye ang hirap ng mga volunteer.

Sabi ng netizen, “pati clerical jobs nakaasa” sa mga volunteer, na walang maayos na allowance at “kkb” o kanya-kanyang bayad sa pamasahe sa buong tatlong linggo.

Maging mga photographer, kukulangin din daw kaya kailangan ng mga volunteer na mayroong SLR camera.

“The danger of getting volunteers is the potential risk that it may cause the event. Hindi ko sinasabing masasama ang volunteers. Pero dahil hindi sila bayad at walang kontrata, walang pananagutan,” hayag ni @AltABSCBN.

May high-tier at low-tier pa aniyang volunteer sa SEA Games: “Yung high tier daming foods tapos may pa gasolina pa sa mga kotse. Mga burgis. Kalowka. Yung mga low tier adobo ni Imelda levels.”

Hindi rin umano sinasagot ng maayos ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee ang tanong ng mga volunteer kung tuloy pa ang SEA Games.

Nabanggit din ng Twitter user na may mga tumutulong na information technology school para maikasa nang maayos ang SEA Games.

Ilang araw na lang ang natitira para sa paghahanda ng biennial meet ngunit marami pang venue ang hindi pa tapos, gaya ng Rizal Memorial Sports Complex na pagdarausan ng gymnastics at squash, at ang skateboarding venue sa Tagaytay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?