87

Sep 12, 2019 @ 12:48
By

SEAG hoops bitin sa alis ni Guiao

Naiwan sa ere ang pambansang koponan na sasabak sa basketball sa iho-host ng bansa na 30th Southeast Asian Games 2019 tapos na biglaang magbitiw sa kanyang puwesto bilang head coach ng Gilas Pilipinas si Joseller ‘Yeng’ Guiao.

Ito ay dahil ‘di pa natutukoy kung sino ang mga manlalaro na bubuo na isasabak ng bansa sa SEA Games sa Nobyembre 30-Disyembre 11 tapos na iwanan ni Guiao ang responsibilidad.

Napag-alaman sa Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (Phisgoc) na bagaman nakapagpasa ng kabuuang 30 katao na manlalaro na pagpipilian para sa pambansang koponan, na kailangan pa bago dumating ang deadline na Setyembre 30 ay dapat may mga lehitimong player para sa 11-nation, 12-day meet.

“They had to be accredited and their final lineup must be submitted on or before the deadline,” giit ni Phisgoc Chief Operating Officer Ramon Suzara.

Kailangan ngayon ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na agad magtalaga ng bagong national coach upang madesisyunan ang mga lalaro sa SEAG.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?