62

By

SEAG: Cone ingat kay Toroman, Indonesia

Alam na ni coach Tim Cone na ‘di pipitsugin ang mga makatatapat ng Gilas Pilipinas sa 2019 Southeast Asian Games na iho-host ng bansa sa Nov. 30-Dec. 11.

Ang Ginebra coach ang ninombrahan ng Samahang Basketbol ng Pilipinas na humawak ng national team para sa biennial meet.

“I know my good buddy Rajko (Toroman) is coaching Indonesia and he’s gonna have a really good import with him, naturalized player, and it’s gonna be tough,” lahad ni Cone. “He’s been there the last couple of months so they’re gonna be ready.”

Kung dati ay pinagwawasiwasan ng Pilipinas ang mga oposisyon sa rehiyon, iba na ngayon.

“Thailand, I’ve learned, has a really good naturalized player,” dagdag ng two-time grand slam coach.

Ibang level na aniya ang laro sa mga panahon ngayon, lalo nang umpisahan ang ASEAN Basketball League (ABL).

“The ABL has really helped the Southeast Asian teams grow on their basketball,” paliwanag ng dati na ring coach ng Centennial Team noong 1998. “They’ve had a lot of exposure, they’ve had a lot of imports and imports want to come in and be their naturalized player.”

Kahit sa buong Asia, level-up na raw ang laro. Noong panahon ni Cone sa national team na sumalang sa Bangkok Asian Games ay ‘di nga raw nila pinaghandaan ang Middle East countries tulad ng Jordan at Iran.

Tanging China, Japan at Korea ang pinagtuunan nila ng pansin.

Ngayon ay mga bigatin na sa Asia ang mga nasa Middle East.

“So it’s not a slam dunk by any means,” wakas niya sa giyerang susuungan ng Gilas sa SEAG. “It seemingly was in the past, but it’s getting harder and harder.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?