112

By

SEA Games: Sarah G hinanap sa closing ceremony

Nasaan si Sarah G?

Ito ang nagkakaisang tanong ng maraming netizen kung bakit hindi inimbitahan sa isinagawang closing ceremonies ng 30th SEA Games ang ‘Pop Princess’ ng ‘Pinas.

Marahil ay naging malaking parte para sa mga fan ang kanta ni Sarah G. na ‘Who We Are’ na pinapatugtog sa tuwing makakuha ng gold medal ang Pilipinas kaya naman request ng mga ito na sana bukod sa VTR lamang ay live ding makita at napanood ang singer.

Sey ni @fckindude1, kung si Sarah gang nag-perform ay tiyak enjoy ang lahat. “Imagina kung si Sarah Geronimo nagpeperform ngayon sa closing ceremony ng Sea Games. I’m sure lahat maeenjoy at magsasayawan lalo na may Tala sya. Kaso Busy sya eh. Sayang lang sana na showcase ang mga kanta nya. #SEAGames2019 #30thSEAGAMES.”

Ganito rin ang himutok ni @DinaLabsYou, “sayang. Wala c Sarah G sa closing ceremony. #SEAGAMES2019.”

Malungkot naman si @_onceafool, “Hi popstres! Sad news, no Sarah G for the closing ceremony of SEA Games 2019. Spread the news para walang umasa huhu. Thanks!

Hanap din ni @benzd28 ang singer, “Sarah G for closing ceremony!”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?