26

Oct 31, 2020 @ 11:38
By

SEA Games financial report inipit: POC kakasuhan Phisgoc

Hahabulin ng Philippine Olympic Committee ang Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (Phisgoc) dahil sa pagpalya na maibigay ang financial statement sa nagdaang 30th Southeast Asian Games.

Nagbigay ng deadline ang POC sa Phisgoc kung saan October 10 ay dapat nasa kamay na ng PH Olympic committee ang naturang audit report.

Sa nangyaring botohan ng executive board ng POC, sumang-ayon sina first vice president Joey Romasanta, 2nd vice president Jeff Tamayo, treasurer Julian Camacho, auditor Jonne Go, at board members Atty. Clint Aranas at Rober Mananquil na kastiguhin ang Phisgoc sa delayed na pagbibigay ng financial report ng Phisgoc.

Hindi naman aprub na makasuhan ang Phisgoc sina POC president Abraham Tolentino, secretary-general Ed Gastanes, dating POC president Ricky Vargas at board member Cynthia Carrion.

Nag-abstain sa botohan sina POC Athletes Commission representative Nikko Juelgas at International Olympic Committee board member Mikee Cojuangco-Jaworski.

Matatandaan na nilakad ni Senadora Leila de Lima sa Senado ang pag-imbestiga sa hindi pa rin pagpapasa ng Phisgoc ng financial statement sa natapos na SEA Games.

“Given the controversies surrounding the 2019 SEA Games – from allegations of corruption and overspending to logistical nightmares and a bevy of complaints from foreign athletes and delegates – it is imperative for Senate and other agencies with supervision over PHISGOC to look into the matter,” ayon kay De Lima.

“A complete financial report will help shed light on these questions surrounding the PHISGOC’s handling of the event,” aniya pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?