13

Aug 8, 2021 @ 21:17
By

SEA Games ‘di tsamba: Kahit sa Olympics, Pinas hari ng ASEAN

Sa pagtatapos ng Tokyo Olympics nitong Linggo ay pinatunayan ng Pinoy athletes na sila ang hari ng Southeast Asian Region.

Ito ay dahil sa nakuhang isang gold, dalawang silver at isang bronze medal ng Pilipinas, na siyang pinakamagandang pinakita ng alinmang bansa mula sa Timog-Silangang Asya.

Pangalawa lamang ang Indonesia, na nakakuha ng isang gold, isang silver at tatlong bronze medal.

Sumunod ang Thailand, na may isang gold at isang bronze, at Malaysia na nakakuha ng tig-isang silver at bronze.

Pinatunayan lamang ng Pilipinas na hindi tsamba ang paghakot ng medalya noong 2019 Southeast Asian Games na ginanap sa bansa, kung saan kabuuang 387 medalya ang inuwi ng mga Pinoy athlete.

Bukod dito, ang apat na medalyang nasungkit sa Tokyo ang pinakamaraming nakuha ng bansa simula nang sumali sa Olympics noong 1924.

Dagdag kasaysayan pa ang pagkapanalo ni Hidilyn Diaz ng ginto – na siyang unang gold medal ng Pilipinas sa Olympics.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?