85

By

SEA Games: Defending champ napatalsik sa 50m butterfly

Ginulantang ni Teong Tzen Wei si defending champion Joseph Schooling para masungkit ang gintong medalya sa 50m butterfly competition sa SEA Games nitong Huwebes, Disyembre 5.

Katiting na anim na segundo lang ang pagkakaiwan ni Wei kay Schooling (23:61) matapos niyang rumehistro ng oras na 23:55 sa New Clark City.

Pangalawang beses pa lang ng Singaporean na si Wei na sumabak sa Games habang bigo namang maidepensa ni Schooling ang titulo na nakuha niya sa 2017 Games sa Kuala Lumpur kung saan naisukbit niya ang gold medal sa oras na 23.06.

Nauna nang nanalo ng gintong medalya sa 50m freestyle si Wei sa 2017 Games.

Samantala, naibulsa naman ni Glen Sutanto ng Indonesia ang tansong medalya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?