11

Oct 27, 2020 @ 11:09
By

SEA Games champ, may baby girl na

LUBOS ang katuwaan ni 30th Southeast Asian Games (SEA) Obstacle Course champion Mervin Guarte matapos iluwal na maayos ang kanyang babaeng anghel Lunes ng gabi.

“Its a baby girl, thank you. Lord..,” sabi ng 28-anyos na miyembro ng Philiippine Air Force na si Guarte.

“Dagdag na inspirasyon ko para manalo sa mga competitions pati na rin sa buhay,” sabi ni Guarte, na tinanghal na gold medalist sa SEA Games Men’s 5km Obstacle race matapos talunin ang Asian champion na si Mohd Saddam Mohd Pittli mula Malaysia.

Si Guarte ay dating miyembro ng track and field at siyang may hawak ng national record sa 1500m na 3:47.65 na tinala nito sa Palembang, Indonesia noong Nobyembre 13, 2011.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?