101

By

SEA Games: 63 ginto na sa mga Noypi

‘Di nagpabaya ang Philippine national athletes sa day 5 ng kompetisyon sa 30th Southeast Asian Games 2019 nitong Huwebes sa iba’t ibang playing venues sa Luzon.

Nanatiling nasa tuktok ng medal tally ang ang mga atletang Pilipino makalipas mag-ambag ng medalya ang mga bawat manlalaro sa magkakaibang sports .

Unang kumalawit ng ginto si Jermyn Prado sa ccyling women’s individual time trial road race sa Tagaytay.

Pumadyak si Prado mula Nasugbu, Batangas hanggang Praying Monument sa nasabing lungsod ng Cavite sa nirehistrong 44 minuto at 44 segundo sapat upang sikwatin ang gold medal.

Nagpakitang gilas din sina Princess Arbilon at Samuel German nang sikwatin para sa ginto ng mixed relay beach laser-run portion ng modern pentathlon.

Pumoste sina Arbilon at Samuel ng 13 mins. at 59 secs. sapat para iuwi ang ginto.

Gold din sina Kiyomi Watanabe at Shugen Pablo Nakano sa judo sa Laus Group Event Center, San Fernando City.

Hinablot ni 23-year-old Watanabe ang ginto nang pagpagin nito si Chu Myat Noe Wai ng Myanmar sa women -63 kg.

Naghari si Nakano sa -66kg category nang pagulungin si Budi Prasetiyo ng Indonesia sa finals.

Nakapagtala na ang ‘Pinas ng 63 gold, 45 silver at 34 bronze medals, nasa pangalawa pa rin ang Vietnam sa 31-35-41 bronze habang nasa third spot ang Indonesia na may 27-36-39.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?