39

Jan 13, 2022 @ 15:48
By

Scripted mga picture! Basher tatakbo nang nakahubad dahil kay Heart

Isang netizen ang lakas-loob na nag-comment sa larawan nila Heart Evangelista at asawang si Sorsogon Governor Chiz Escudero.

Nitong Enero 13 kasi, nag-post si Heart Evangelista ng kaniyang larawan kung saan makikita nagtatawanan sila ni Chiz.


Dahil dito, sinabi ng basher na mukhang scripted ang candid shot ng dalawa.

Dagdag pa ng basher ay tatakbo siya nang nakahubad sa kanilang buong barangay kung may makita itong larawan ni Heart na hindi scripted.

“Kung may makita akong picture ni heart na hindi scripted, tatakbo ako ng hubad sa buong barangay,” comment nito.

Hindi naman nagpatalo si Heart at sinagot ito: “run and never come back darling. Life is gooooood plus the coffee I’m a drinking is awesome. sorry you can’t accept that I have a happy life but then again not my problem.”

Sa ngayon, burado na ang nasabing comment, ngunit maraming netizen na rin ang nakakita at nakapag-screenshot ng comment. (Sherrylou Nemis)

Viva Hot Babe Sheree Bautista @ Tambayan ng Tsika!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?