72

Dec 27, 2017 @ 14:19
By

Screening ng foreigners hihigpitan – BI

Hihigpitan ng Bureau of Immigration (BI) ang pagkilatis sa mga dayuhang dumarating sa bansa.

Bunsod ito ng napigil na tangka ng isang international trafficking syndicate na ipasok sa bansa ang tatlong Iranian na pinagkunwaring mga national ng bansang Belgium.

Naharang ang tatlong Iranian noong Disyembre 23 sa NAIA terminal 3 kung saan sila bumaba mula sa sinakyang Thai Airways na buhat sa Bangkok.

Napuna ng Immigration officials na mukhang nanggaling sa Middle East ang tatlong Iranian, isang babae at dalawang anak, pero may bitbit silang European passport.

Sa interview ng Immigration officer sa paliparan, hindi maipaliwanag ng mag-iina kung ano ang kanilang pakay dito sa Pilipina hanggang sa madiskubre napeke ang bitbit nilang Belgian passport.

Pinabalik ang tatlo sa Bangkok kung saan sila nanggaling. (Isaac Mendez)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?