110

Mar 8, 2020 @ 16:12
By

Scrabble may Tagalog version na

Binebenta ngayon ang isang word board game na swak para sa mga Pinoy: ang “Salitaan – Larong Krosword.”

Pwedeng laruin ang Salitaan sa alinmang wikang Filipino, gaya ng Cebuano, Tagalog, Ilocano, Hiligayon, Waray-Waray, Kapmpangan, Bicolano, Pagasinense, Maranoaan, at Tausug.

Ang siste, pataasan ng puntos sa mga madudugtong na salita (pahalang o pababa). Merong katumbas na halaga ang bawat patinig at katinig, at may mga extra point din sa ilang bahagi ng board.

Pwede itong laruin ng mga Pinoy edad 14 pataas, at malalaro ng dalawa hanggang apat na kalahok.

Ayon sa kanilang website, kinilala na ng Department of Education (DepEd) ang naturang board game.

“More than just a game, Salitaan™ actually improves your Tagalog vocabulary as you’re introduced to new words each time you play!,” ayon sa pamunan ng naturang board game.

Nagkakahalaga ang Salitaan ng P999.

Para sa ibang detalye, bisitahin lang ang website na https://salitaan.com.ph/ .

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?